Sunday, March 25, 2012

Summer na!!!

 Summer na nga..subalit ngunit datapwa't ,....

wala man lang akong way para mag beach hopping....T_T

since eto na nga ang mga buwan na nuknukan kung maglabas ng init si haring-araw...

eto rin ung panahon na di ako maka-alis sa workload kasi sa isang resort lang din ako nagbabanat ng buto...

as in...minsan...nag do-doble ung duty namin...from 8am to 11pm yan...

pero pasok sa banga ang overtime...di naman madamot ang employer ko teh...

me libre pang Skyflakes at kape sa mga empleyado sa front-office pag sobrang daming tao at literal na ihi lang ang pahinga...

Pero...eto na nman ung time na marami kang mae-encounter na mga ambisyosa, antipatika at impokritang  nilalang...

pa-shala -  kung magsalita kala mo sandamakmak ang pera sa bulsa pero biglang hihirit ng discount...

me iba na naman na nung nagshower ang langit ng kaartehan, nasalo halos lahat...pero wag ka, bad-breath naman o di kaya me shutokina ang katawan.

meron naman, makapamintas wagas..pero tadtad ng bente singko sentimos ultimo singit...maganda lang ang muka...pero ang katawan...no comment na lang.

pero ito ung panahon na gustong- gusto ko..kasi naglipana ang mga nilalang na hinulma ke adonis...lust worthy talaga...

kaliwat kanang boylets, hunks at bukol ang makikita...hayssss...sana summer na lang lagi..

Me pektyur nga pala ako ng isang side ng resort na pinagtra-trabahuhan ko...

itey :





PM lang kau kung interested kau dumalaw dito samin...ako pa mag to-tour senyo...hahaha...

babuh muna mga ateh!!!

Friday, March 2, 2012

Menu of the Day : Sauted Monggo Sprouts in Chicken Gizzard

Eto na ung binabalak kong theme ng aking blogelya,

na ewan ko ba kung bakit napunta ang lahat sa kalandian....

ngaun, isasakatuparan ko na talaga ung matagal ng minimithi ng aking matabang brains para sa blogelya na itey...

for the start..eto muna ung first recipe ko....

Sauted Monggo Sprouts with Chicken Gizzard, o mas kilala ng madlang pilipino na "Ginisang Togue"

malamang-alamang, hindi makokompleto ang isang Recipe kung walang mga listahan ng sangkap na magpapasarap at magpapalibog...ah este..mali...

...mali

 ...ano ba yan....kung aney-aney na ang naiispluk ko ditey...

eto na nga... naglagay na rin ako ng translations in english ng mga sangkap.

Ingredients : Sangkap :

* 1 tablespoon garlic minced - bawang (pwdeng pangkontra-aswang, pero di nagagamit sa mga aswang na kabit)


* 2 table spoon onions sliced - sibuyas (di pwdeng alternatibong sangkap ang mga kili-kili ng mga nagfa-five-six)


* 1 cup Chicken Gizzard sliced - Atay at Balunbalunan ng Manok (masarap ung part na may puso)


* 1/2 kilo Monggo Sprouts cleaned - Togue ( TIP : ung maputi pa ung mga dulo, mas masarap kasi pag fresh ung  togue. Wag ung mejo dark ng ung buntot ng togue, mapait na yun pag naluto.)

* 1 cup Cabbage Shredded - Repolyo ( thinly sliced din sya pero wag naman ung parang sinulid na sya sa sobrang nipis. parang Julienne cut sya na mas maliit lang.)


* 1 cup Carrots sliced thinly (Julienne) - Karots

* 1 cup Chayote ( Julienne cut ) -  Sayote yan - di yan ung beki term para sa sayote. mas magandang makuha klase ung mga bata pa - tulad ng mga boylet - mas masarap yung ganun. mas bata, mas masarap.

* Mama Sita's Oyster Sauce 1 sachet

*1/2 cup Soy Sauce - Toyo (any brand -  pwde ka rin mamili if you want the dark or the light one. Mas prefer ko ung Silver Swan...mas madaling tantsahin.

*1/2 water - Tubig 


*1 tablespoon Cornstarch - minsan, naiisip ko na ang tagalog ng cornstarch eh gaw-gaw kasi pareho sila ng consistency pag sinama sa mainit na tubig.

*2 tablespoon Cooking Oil - Mantika


* Salt and Pepper, Seasoning, 




Kelangan mo din nito :

Kawali, Syanse, sangkalan at kutsilyo.

Siguraduhin din ng may laman ang gas range...



Ngaun, magsisimula na tayo magkuto,

Step 1 : Painitin si Kawali. Siguduhing malinis ang kawaling lulutuan...

Step 2 : Ilagay ang mantika, igisa ang sibuyas at bawang. Inuuna ko ung sibuyas, para maiwasang masunog ng bawang. I just wait it to caramelize then tsaka ko idadagdag ung garlic. Try nyo..mas masarap ung aroma na nilalabas nila pareho.



Step 3 :  wait for at least 5 mins before putting the Atay-Balownbalownan. Let it saute for 5 more mins.


Step 4 : Put the Oyster Sauce..hindi ung zonrox ha...


Step 5 : Add water...then let it simmer...


Step 6 : Put the Soy Sauce...


Step 7 : Tikman...dinagdagan ko pala ng konting sugar...type ko kasi ung mejo manamis-namis



Step 8 : Then lagay nyo na ung Togue..


Ganitey ung fresh na togue, maputi... tulad ko..


Ayan....lagay nyo pa...

Nga pala, isasabay nyo na ung cabbage, carrots at chayote...


Lagyan ng asin....wag ung ganyan kadami...


Ayan, ibudbod

Yan...ganda...

Step 9 : Takpan and let it simmer for 5 mins...


Haluin occasionaly......para mapantay ang luto...





Step 10 : Add the remaining ingredients - seasonings, cornstarch diluted in water..


ayan..buhos mo pa..

Takpan and wait for another 3 mins until desired consistency is reached.

TIP: Mas magandang magluto ka ng magaan at masaya ung pakiramdam mo...bawal sakin ung nakasimangot at malongkot pag nagluluto kasi hindi masarap ung kakalabasan ng niluluto mo. Dapat, SMILE...malaki epekto nyan lalo na sa ihahain mong pagkain.



Step 11 : Isalin sa isang bowl at Ihain ka join ng mainit din na kanin.

Ganyan kami karami kumain...

Take note, for 1 serving lang yan..eh apat kaming kakain ng araw na yan. Literal na naubos namin yung niluto ko for that time. 

Kaw ba naman me kasamang mga vegetarian na muka ng kambing kakakain ng mga damo-damo at kung anik-anik na me dahon.

..................

mas masaya kung marami kaung kakain...

tas magbubukas ka ng isang malamig na Coke (uy, endorsement)...

kwentuhan....tawanan...

tas bigla mong makita ung kaharap mo....habang tumatawa.....nakalambitin ung togue sa epiglottis at esophagus

namiss ko tuloy ung dati....


sabay-sabay kami kumain mag-pamilya...


bigla akong nalongkot...


Buti na lang...


andito SYA.....




Love you Coco...

Wag ka mag-alala..

andito lang ako...

naghihintay sau...


ng...


Walang Hanggan.

......................


Gorabels na ko, mga Vekleurs...

Ciao!!!

Tuesday, February 28, 2012

Bagong Blogelya ng Dyosa

Balak ko gumawa ng bagong blogelya...

Ung me mga recipes na alam ko...

ung pwdeng shala-shala at pwdeng pang masa...

mas maganda kung pang-sangkabaklaan ang tema pero makakain ang laman


hmmm...


Saturday, February 11, 2012

mga batang bading at ang bagong boylet

Ewan ko...

Basta, natatanggal nila ung stress na nararamdaman ko...

Naaalala ko ung mga araw ng aking pagdadalaga....

Tulad nila...


Sila daw ang Lollipop Girls (girls talaga ha???)

Sila na kaya ang tatalo sa Power Puff Girls???

Sa Dream Girl's kaya???

O sa Destiny's Child???

La Diva???

Kina Gretchen, Bea at Angel Aquino kaya???

O sila ay magiging original na grupo na susunod na magiging Youtube Sensation.

Eto ang unang vid nila :




nakakaloka ang mga katagang binitawan...

pang-laban talaga...ng ms.gay.

at para sa kanila..I support them all the way....jingle bey!!!

Sila na kaya ang susunod na magmamana ng korona ng mga title-holder na sina Ms. Chuni and the likes???

O sila ang kukuha ng pagiging pwesto ko bilang Dyosa ng mga Kabute???

Chos!

heniways.....sana hindi ito ang una at pangalawa nilang vid.

Malay natin..baka matulad sila kina Lady Gagita at Haronce...na nagkaron pa ng mga TV guesting..

basta, naaalala ko nung nag-aaral pa lang ako ng elementary sa Mababang Paaralan ng Juan Sumulong eh me ganito na akong mga eksena sa klasrum.

Kung ano anong props ang ginagamit namin...charts, cartolina, manila paper, ung mga kurtina, pati ata kaserola na lalagyan ng sopas eh nagamit na rin naming korona.

hahaha...sya sigeh dito muna akis...

maghahagilap pa ako ng antok at tulog.

Mahagilap ko kaya ito kay kuya :




para ba sakin ung flowers???? ok lang sakin kahit wla nyan..kahit ikaw na lang....(landi much!!!)

Oo..sya...

Sya ang bago kong pantasya. 

at dito ko sya nakita : Elcid Lao 

Basta kuya, wag mo ko idemanda ng copyright infridgement of public photos ha.

Babuh muna akey...

Ciao!!!


Wednesday, February 8, 2012

Top 20


just recently read the issue of Healthy Options March/April 2007 and My eyes focused on other poeples top 20 favorite moments, things and persons ( pg. 8-10 pls ) But since its too late to send my own top 20, what does my blogger account do? So here it is , In random sampling.


1. Chocolates (prefer Hersey's Kisses and Tobleron pero ok na kahit chocnut pa yan)


2. Coffee - I preder of my own mix since my friends say that I got a good talent in making my coffee, So divine and caffelicoius according to one.)


3. Pillows. -I love those soft cuddlies, ung daw kasi ung pumupuno ng kawalan ng kasama sa        kama  


4. Newspapers and Mags and Books. I love to read. It gives lots of info's in my brain.I love books like those by Jessica Zafra and Bob Ong. Newspeeps' specially PhilStar. And Mags like Healthy Options, Readers Digest and National Geographic.Oh never forget FHM and the Cosmo.


5. Butterflies - I got lots of them specially in spring time. Once I filled our house with lots of butterflies made if plastic folders and it turned out the way I wanted it.Bonggang Bongga talaga


6. My E-mail Add. - Keeps me updated to everything.


7. My Accounts in the World Wide Web like Facebook, Deviantart, Planet Romeo, at itong Blogger.


8. My Holy Pencils, Divine Pieces of Drawing Papers, and My drawing  paraphernalias (I paint and its my passion. Isa sa mga stress buster ko to.)


9. Mellow Songs. Like "It Might Be You" and "More than you'll ever Know". Sooooo Senti.


10. My Fave Diva " Regine Velasquez ". She rocks when she sings those High Pitch Belting Songs. No matter' if its revival or her own.


11. I love my friends, and they quite a lot.


12. Amanpulo - The best destination for me to go.


13. Smiles - ung pag labas mo palang ng bahay sa umaga, me nakangiti pagkakita sau, plus factor pa kung fafalicious un.


14. I love the fine drizzles in the evening. It makes me more emotionally inloved.


15. The laughter of our neighbors children, you will think that no matter how hard  it is to live, I still see hope everytime they laugh innocently.


16. Dulce de Leche Ice Creams......such divine dessert, isn't?


17. Plants....yes I love plants, I picture myself having my own version of the "Fernwood Gardens". 


18. Furs...faux one, My consicience might attack if I'll be having those original ones. Imagine those cuddly creatures skinned, such unhumane thing right?


19. The fine sunshine every early in the morning.


20.Si ano....ahihihihi....kinikilig nman ako...c Paolo..haha di makaget-over sa dating post..


Ayan na sya....gawa din kau...nung ginawa ko, parang mas lalo kong nakilala ung sarili ko.

Ang Bakla..bow (Repost)


Nabasa ko lang lately...
share ko lang...ganda kasi na pagkakadeliberate ni mareng John Lapuz...
Si Carol Dauden, na isang magaling aktres, at si Aiza Seguera, na mahusay na mang-aawit, ay umamin na—sila ay mga tomboy. Mukha naman silang masaya sa kanilang pag-amin. Mas naging malaya sila. Natanggap naman sila ng mga pamilya nila at mga kaibigan. Pero bakit ang mga bakla sa showbiz, isang damukal ang ayaw umamin. Yung iba, tumanda na, at yung iba naman, namatay na pero hindi umamin. Namatay nang nagtatago. Namatay nang hindi malaya. Kawawang bakla.
Sabi ng mga kaibigan kong tomboy, minsan daw, nakaka-get sila ng babaeng makaka-s*x nang hindi nila binabayaran. Para ding mga straight guys na minsan talk show lang at isang bote ng beer, confirmed na! Yung mga baklang mukhang babae at maganda, siguro nakaka-get ng libre, pero prangkahan na, yung iba hindi. Kahit mayaman ang bakla or sikat at powerful, pay pa din. Yung iba, hindi cash. Minsan, career or trabaho. Minsan, damit or rubber shoes. Basta, may kapalit pa rin. May mga kaibigan akong nagmamaganda. Mahal daw sila ng kanilang mga straight boyfriends. I asked them, “Try niyo nga huwag bigyan ‘yan ng allowance or work, tignan ko lang kung boyfriend mo pa ‘yan.” Ayaw naman nila i-try. Kawawang bakla.
Ang dami kong kilalang tomboy na ang girlfriend babaeng totoo ‘tapos tumagal ang relasyon. Sa mga bakla, ang tumatagal lang yung bakla sa baklang relasyon. Kawawang bakla.
Lima na ang kakilala kong baklang pinatay. Yung dalawa, ka-close ko pa. Nagkaroon tuloy ng chismis na baka may gay serial killer. Pero tomboy, walang masyadong pinapatay. Naisip ko, itong mga gay killers, they know na kaya nilang patayin ang mga kawawang bakla na biktima nila. Honestly, minsan naisip ko, kung meron kayang bakla na serial killer naman ng mga lalaki? Bongga, di ba? Pero mga salbahe lang ang pinapatay niya. Kaya lang ‘pag nahuli, kawawang bakla.
Parang boring ang kumalat na picture ng Mocha girls na naghahalikan. Pero kung member ng all-male group ang may kumalat na picture na naglalaplapan, kahit biruan lang din tulad ng sa Mocha, I’m sure-manicure-pedicure-kulot, hanggang next year ay headline ‘yon. Pagchi-chismisan sa beauty parlor, palengke, school, opisina, prisinto, at sa batis habang naglalaba. Kasi recently ko lang nalaman, na ‘pag dalawang babae pala ang naghalikan, natuturn-on ang mga lalaki. Pero ‘pag dalawang lalaki ang naghalikan, hindi naman natuturn-on ang mga babae, worst, nandidiri sila. Biased, di ba? Kawawang bakla.
Pag ang mga lalaki nambabae, sasabihin “macho.” Pero pag namakla, “kadiri.” Kawawang bakla.
Pag ang bakla mukhang babae, maganda. Pero ang babae pag mukang bakla, pangit. Hahaha. Kawawang bakla.
Eto, talagang totoo. Pag ang baklang pa-girl malaki ang nota, alaskado siya sa mga kaibigan niyang bakla. Ang tomboy na pamin pag matambok ang pechay, kaiinggitan ng mga kaibigan niyang tomboy. Suwerteng tomboy, kawawang bakla.
Ang dami kong kaibigang Filipino-Chinese na tomboy at accepted ng family nila. Ang dami kong kaibigang Filipino-Chinese na tagong bakla. Yung iba umamin na lang noong patay na ang tatay nila. Kawawang bakla.
Pag may dumaan na bakla, sumisigaw ang mga batang kalye ng, “Bakla! Bakla!” Pero parang hindi pa ako nakarinig na sumigaw sila ng, “Tomboy! Tomboy!” Kawawang bakla.
Ang mga baklang nakadamit-babae, posibleng mabastos pag pumasok sa C.R. ng boys. Pag ang tomboy pumasok sa C.R. ng girls, okay lang na nakadamit-lalaki. Hindi kaya dahil lalaki lang ang nambabastos? Kawawang bakla.
Nabanggit ko na ito dati. Ang dami kong nakikitang tomboy na may ka-holding hands na babae. May nakita na ba kayong baklang hinolding hands ng boyfriend niya? In public, ha. Kawawang bakla.
Yung isang kaibigan kong tomboy, tuwang-tuwa daw ang tatay niyang sundalo nang malamang tomboy siya. Yung kaibigan kong bakla, binugbog ng tatay na sundalo nang malamang bakla. Kaloka. Kawawang bakla.
Pag ang anak na lalaki or babae masama ang ugali, ang tawag “black sheep.” Pag bakla ang anak na masama ang ugali, ang tawag “salot.” May kaibigan nga ako na mabait naman, salot pa din ang turing ng pamilya. Maryosep, kawawang bakla.
Kadalasan ang lalaki, kapag nakikipag-break sa girlfriend nila, kasi may ibang babae. Kapag ang lalaki, nakikipag-break sa bakla, kasi may ibang bakla or babae. Heto ang kakaiba, may kaibigan akong bakla, iniwan siya ng jowa niya kasi nag-born again. Ang say ni bakla, “Anong palagay niya sa akin, demonyo?” Kawawang bakla.
Naging malaking issue nang tawagin ni Joey de Leon na “mukhang aswang” si Pokwang. Dahil siguro magkatapat sila ng show. Sabi ni Willie Revillame, kawawa naman daw ang anak ni Pokwang kasi tinutukso sa school. Naisip ko lang, kung bakla ang co-host saWowowee at sinabihang “mukhang aswang” ni Joey, masasabi rin kaya ni Willie na kawawa naman ang mga pamangkin ni bakla kasi tinutukso sa school? Ano sa sa plagay niyo? Sana naman…Kasi ‘pag hindi, kawawa si bakla.
May mga artistang babae at lalaki na pangit na, wala pang laman ang utak. Itsura pa lang kasi, nakakatawa na. Ang mga baklang pangit, kailangan medyo witty at matalino. Kung hindi, kawawa kang bakla ka.
Ang batang lalaki ‘pag kumikendeng, sasabihin “bakla paglaki.” ‘Pag ang batang babae, macho kumilos, sasabihin ay “boyish” lang. Kawawang baklita.
Ang mga babae tuwang-tuwa ‘pag pumupunta sa gay bar. Ang mga bakla, kawawa sa pandidiri ‘pag pumunta sa girlie bar. Sure ako diyan. Sinama ako dati ng mga kaibigan kong lalaki, awang-awa ako sa sarili ko. Huhuhu.
Nakakatawa pero nakakasad yung joke na ito (buti na lang joke):
PARI: Ang mga bakla ay hindi makakapasok sa langit.
BAKLA: Ok lang ‘yon Father. Doon na lang kami sa Rainbow, magslide-slide.
Which made me think. Ang mga bakla lang ang makakaisip ng ganoon. Hindi na papasukin sa langit pero nakuha pang mag-taray at lumigaya sa pag-slide sa rainbow.
Dito sa Pilipinas, sa Quezon City na lang, tabi-tabi ang gay bar. Lesbian bar, may nakita ka na?
Alam niyo ba na may mga spa at massage parlor na para lang sa mga bakla? Bongga!
Walang baklang istambay. As in pang lalaki lang ang word na ‘yan. Yun nga lang, may baklang pusher at bugaw pero may trabaho pa din. Bihira ang baklang holdaper. Yung kumukuha na lang ng hindi kanila. May na-meet na akong baklang snatcher at akyat-bahay, at least, nag-effort muna sa pagtakbo at pag-akyat. Hahaha.
Ang word na “pink peso” ay dedicated daw sa pera na kinikita at ginagastos ng mga bakla.
Madami daw bakla sa call center na pinapayagang mag-boses babae kasi boses babae talaga. I doubt kung madaming tomboy ang boses lalaki. Aminin.
May kaibigan akong tomboy na nag-commit ng suicide after iwan ng girlfriend. Ang mga bakla ‘pag iniwan ng jowa, mababaliw lang—iiyak…mag-e-emote…magkukulong sa kwarto…magluluto…magpapa-parlor…’tapos may jowa na ulit. Taray! I should know.
Mas madaming bakla ang nanalo sa mga make-up at hair style competition. Oo naman.
Ang mga bakla, may taste. Pag sinabi naming pangit, pangit talaga ‘yon. Pero pag sinabi naming maganda, ay maganda talaga ‘yon. May kaibigan akong lalaki. May pina-date sa akin na barkada daw niyang guwapo. Sa barkada nila, ‘yon daw ang pinaka-guwapo. Nang makita ko, ang naisip ko lang, “Diyos ko po! Ano pa itsura ng pangit sa barkada nila?” May barkada naman akong babae. Pinakilala sa akin yung manliligaw niya. Super guwapo daw. Pucha, pagkakita ko, napa-C.R. ako.
Ang mga bakla, masaya kasama. Maingay, nakakatawa at hindi boring.
sweet-blog.jpg
Come to think of it. Hindi rin pala kami masyadong kawawa. Mga bakla, tara na sa Rainbow at mag-slide-slide in this particular order:
RED- Mga baklang pa-girl, operada at mukhang babae. Go, mga sisters!
ORANGE- Mga batang bakla. Slide na, mga anak!
GREEN- Mga paminta, mukhang lalaki, members ng guys4men.com. Slide na, mga pare!
YELLOW- Mga baklang may asawa at anak. You deserved to be happy. Slide na!
VIOLET- Mga baklang bisexual, dito kayo kasi alanganing red, alanganing blue. Go!
INDIGO- Mga baklang Diva at Mama. Halina mga sisters. Mama Ricky, kapit lang po mabuti. Sunod na po ako in a while.
BLUE- Mga baklang tago at ayaw umamin, dito kayo. Kahit hindi kayo umaamin, may karapatan din kayong mag-slide sa rainbow natin. Ingat lang sa pagtili at baka mabuking. Diyan kayo sa dulo para hindi mahalata ng bayan na nakikipaglaro kayo sa amin. Don’t worry, we understand. Alam ko, kawawa din kayo. Sssshhhh….
taken from John Lapuz page on PEP

Wednesday, February 1, 2012

Oh Paolo, Oh my gashhh

eto na........

cgeh na ......


ako na malandi.........


ako ng ung kinikilig habang pinopost ko itohhhh......


kayo kaya hindi kiligin????

pag ningitian nya ng pagkatamis-tamis......

Homaygashhhhhhh......


sagbihin nyo na lahat ng masasakit na salita.........


apihin nyo na ko ng bonggang-bongga..............

basta...akin lang sya.....

eto na sya.........

ang bumihag sa puso kong pihikan....


ang aking future husband in next life....

Mag veklurs.....


I want you to meet......(with matching fireworks !!!)




Paolo Gonzalez













Kahit alilain mo ko ng habang panahon.....


ok lang......


kahit angkinin mo ng paulit-ulit ang puri ko.....


ibibigay ko sau ng siksik....liglig...at umaapaw.....

..................


Kea mga veklurs......


Kunin nyo na lahat sa akin wag lang sya.....

.................

Sya ung nasa TVC ng Enervon...tsaka ung nasa TVC ng Unique toothpaste....



Ahihihihi.......


kinikilig pa rin ako ng sobra amfutah!!!


..................

oh ayan mga veklurs, nilakihan ko pa ung photos nya ha......

hayysssss.....

photo courtesy of :Cosmo ph