na ewan ko ba kung bakit napunta ang lahat sa kalandian....
ngaun, isasakatuparan ko na talaga ung matagal ng minimithi ng aking matabang brains para sa blogelya na itey...
for the start..eto muna ung first recipe ko....
Sauted Monggo Sprouts with Chicken Gizzard, o mas kilala ng madlang pilipino na "Ginisang Togue"
malamang-alamang, hindi makokompleto ang isang Recipe kung walang mga listahan ng sangkap na magpapasarap at magpapalibog...ah este..mali...
...mali
...ano ba yan....kung aney-aney na ang naiispluk ko ditey...
eto na nga... naglagay na rin ako ng translations in english ng mga sangkap.
Ingredients : Sangkap :
* 1 tablespoon garlic minced - bawang (pwdeng pangkontra-aswang, pero di nagagamit sa mga aswang na kabit)
* 2 table spoon onions sliced - sibuyas (di pwdeng alternatibong sangkap ang mga kili-kili ng mga nagfa-five-six)
* 1 cup Chicken Gizzard sliced - Atay at Balunbalunan ng Manok (masarap ung part na may puso)
* 1/2 kilo Monggo Sprouts cleaned - Togue ( TIP : ung maputi pa ung mga dulo, mas masarap kasi pag fresh ung togue. Wag ung mejo dark ng ung buntot ng togue, mapait na yun pag naluto.)
* 1 cup Cabbage Shredded - Repolyo ( thinly sliced din sya pero wag naman ung parang sinulid na sya sa sobrang nipis. parang Julienne cut sya na mas maliit lang.)
* 1 cup Carrots sliced thinly (Julienne) - Karots
* 1 cup Chayote ( Julienne cut ) - Sayote yan - di yan ung beki term para sa sayote. mas magandang makuha klase ung mga bata pa - tulad ng mga boylet - mas masarap yung ganun. mas bata, mas masarap.
* Mama Sita's Oyster Sauce 1 sachet
*1/2 cup Soy Sauce - Toyo (any brand - pwde ka rin mamili if you want the dark or the light one. Mas prefer ko ung Silver Swan...mas madaling tantsahin.
*1/2 water - Tubig
*1 tablespoon Cornstarch - minsan, naiisip ko na ang tagalog ng cornstarch eh gaw-gaw kasi pareho sila ng consistency pag sinama sa mainit na tubig.
*2 tablespoon Cooking Oil - Mantika
* Salt and Pepper, Seasoning,
Kelangan mo din nito :
Kawali, Syanse, sangkalan at kutsilyo.
Siguraduhin din ng may laman ang gas range...
Ngaun, magsisimula na tayo magkuto,
Step 1 : Painitin si Kawali. Siguduhing malinis ang kawaling lulutuan...
Step 2 : Ilagay ang mantika, igisa ang sibuyas at bawang. Inuuna ko ung sibuyas, para maiwasang masunog ng bawang. I just wait it to caramelize then tsaka ko idadagdag ung garlic. Try nyo..mas masarap ung aroma na nilalabas nila pareho.
Step 3 : wait for at least 5 mins before putting the Atay-Balownbalownan. Let it saute for 5 more mins.
Step 4 : Put the Oyster Sauce..hindi ung zonrox ha...
Step 5 : Add water...then let it simmer...
Step 6 : Put the Soy Sauce...
Step 7 : Tikman...dinagdagan ko pala ng konting sugar...type ko kasi ung mejo manamis-namis
Step 8 : Then lagay nyo na ung Togue..
Ganitey ung fresh na togue, maputi... tulad ko..
Ayan....lagay nyo pa...
Nga pala, isasabay nyo na ung cabbage, carrots at chayote...
Lagyan ng asin....wag ung ganyan kadami...
Ayan, ibudbod
Yan...ganda...
Step 9 : Takpan and let it simmer for 5 mins...
Haluin occasionaly......para mapantay ang luto...
Step 10 : Add the remaining ingredients - seasonings, cornstarch diluted in water..
ayan..buhos mo pa..
Takpan and wait for another 3 mins until desired consistency is reached.
TIP: Mas magandang magluto ka ng magaan at masaya ung pakiramdam mo...bawal sakin ung nakasimangot at malongkot pag nagluluto kasi hindi masarap ung kakalabasan ng niluluto mo. Dapat, SMILE...malaki epekto nyan lalo na sa ihahain mong pagkain.
Step 11 : Isalin sa isang bowl at Ihain ka join ng mainit din na kanin.
Ganyan kami karami kumain...
Take note, for 1 serving lang yan..eh apat kaming kakain ng araw na yan. Literal na naubos namin yung niluto ko for that time.
Kaw ba naman me kasamang mga vegetarian na muka ng kambing kakakain ng mga damo-damo at kung anik-anik na me dahon.
..................
mas masaya kung marami kaung kakain...
tas magbubukas ka ng isang malamig na Coke (uy, endorsement)...
kwentuhan....tawanan...
tas bigla mong makita ung kaharap mo....habang tumatawa.....nakalambitin ung togue sa epiglottis at esophagus
namiss ko tuloy ung dati....
sabay-sabay kami kumain mag-pamilya...
bigla akong nalongkot...
Buti na lang...
andito SYA.....
Love you Coco...
Wag ka mag-alala..
andito lang ako...
naghihintay sau...
ng...
Walang Hanggan.
......................
Gorabels na ko, mga Vekleurs...
Ciao!!!