Pero minsan...bilang isang customer, umaabuso ang ilan....
kahit obvious at nasa harap na nila ung isang bagay na kailangan nila...gusto ng iba..iis-spoon feed pa sa kanila.
Tandaan po natin na kahit tau eh customers at tayo ay pinagsisilbihan ng establishmentong ating tinatapakan eh may mga bagay na dapat isa-alang alang tulad ng mga nasa ibaba :
- Hindi ikaw ang may-ari ng mundo. at hindi mo pag aari ang pagka-tao ng kaharap mo, sya man ay isang simpleng crew ng isang fast food o sya ung may-ari nung fast food. Wala namang mawawala kung magpapakumbaba dun sa kaharap mong cashier o receptionist. Tandaan : Kung ano ang tinanim ung ang aanihin. Pag nagbigay respeto ka sa mga tulad nila, ibibigay din nila ung nararapat na respeto sau ng may kalakip pang ngiti sa labi. Swerte mo kung naisipan kang bigyang ng GC dahil sa kabaitan mo.
- May mga alituntunin at batas sa loob ng isang lugar na dapat mong sundin kahit na ika'y nagbayad upang makapasok. Kahit gaano ka kayaman, pero ang ugali mo naman eh singbaba ng iyong talampakan, mapapa defort ka ng bongga palabas. Tulad sa isang resort, kung bawal ang black t-shirt sa swimming pool, sundin mo, kung ayaw mong mag mukang pusit dahil nag fade ung damit mo paglusong mo sa tubig-chlorine.
- Sa tulad kong front office officer, wala akong pakialam kung anak ka ng kung sinong pontio pilato o ni Obama kung bastos ka kausap. Di ako pinanganak para matalsikan ng mabahong laway ng customer na sobrang yabang at angas pero walang pambayad. Kung bastos ka, simple lang ang gagawin ko sau, tatalikuran kita para asikasuhin ang ibang tao na naghihintay ng aking serbisyo.
- Wag magmaganda at magtaray kung sa huli eh hihingi ka ng discount. Magtaray ka kung kaya mong magbayad ng sapat. Natural sa pagiging mayaman ang mataray, at sila lang me karapatan nun. Pero kung ika'y nuknukan ng kuripot at nagsusungit ka pa, lalo lang kitang aasarin. At kung mapikon ka, maluwag ang gate.
.................
Naalala ko nung nasa Jollibee ako kasama ang isang kaibigan, naubusan sya ng gravy nun kasi ginagawa nyang sabaw sa kanin, naghagilap pa talaga sya ng crew na lalapit. Sabi ko ako na lang kukuha sa counter, kasi kahit alam kong area of responsibility ng mga crew gawin yun, inisip kong madami pa silang kelangan gawin bukod sa pagrefill ng gravy ng isang babaeng lumalagok nito. Ang akin lang, kung kaya mong gawin ng hindi nag-uutos sa iba, gawin mo dahil un ung dahilan kung bakit kumpleto ang kamay at paa mo.
Isa sa mga abgay na natutunan ko sa fast food :
Isa sa mga abgay na natutunan ko sa fast food :
Do the things that you can do - and these people will double their customer service to you.
Respect even the small people - and these people will double the respect they are showing you.
yan ung rule ko sa loob ng trabaho ko.
Minsan me nakausap akong guest, nagtatalak at napaka eksaherada, kulang na lang mag-evolve at mag transform to Hulk,dahil lang sa paghihintay ng resibo na inabot lang ng 2 mins. Kala nya makakuha sya ng simpatya sa ibang tao, pati gobyerno nasama na, pero in the end, sya ung napahiya, kasi wala man lang nagtapon ng tingin sa kanya.
Minsan me nakausap akong guest, nagtatalak at napaka eksaherada, kulang na lang mag-evolve at mag transform to Hulk,dahil lang sa paghihintay ng resibo na inabot lang ng 2 mins. Kala nya makakuha sya ng simpatya sa ibang tao, pati gobyerno nasama na, pero in the end, sya ung napahiya, kasi wala man lang nagtapon ng tingin sa kanya.
.........
Anak ka ni Mayor??? who cares, mas maganda naman ako sau, Palaka!!!
Anak ka ni Mayor??? who cares, mas maganda naman ako sau, Palaka!!!
Haha
Babu na!!!