Saturday, September 29, 2012

The Pechay Chronicles - Part 1

Nakilala ko sya months after iwan ako ni Chris Hemsworth...

Hindi mali...


Ako pala ang nang-iwan...


Unang una...di naman sya ganun kaganda para pagtuunan ko ng pansin...
Mas maganda ako sa kanya...at alam nya un hanggang ngayon...

Bagong lipat sila nun...
Naaalala ko pa...
Bagong gising ako nun, after my beauty routine in the morning..magtitimpla ako ng luscious coffee...
Then tambay sa terreza ng aming bahay nma tanaw ang mga taga sub-urbs...

at nakita ko sya...
diring-diri ako sa kanya...
Sabi ko sa sarili ko " Sinong bathala ang nagpasulpot ng nilalang na ito gayung umagang-umaga?"
I was expecting na mga otoko na naghahanda sa paharana sakin...at hindi isang nilalang na tulad nya ang mabubungaran ko sa unang oras ng aking pagkakagising.

She's 5 feet 4 inches tall...Morena...with this awful hair na nakapusod. Naka-black sando...black 3/4ths shorts...at me black na panyo na nakatali sa kanyang braso...

Nasira ang araw ko...at mas lalong nasira nung magtama ang aming mga mata...at bumuga sya ng usok na nagmula sa kanyang pouty lips sa direksyon ko...

Iwww...(di ko pa natutunan mag-yosi nun - 20 years old ako natuto magyosi) kea nandiri ako sa kanya...

Pero dispite this...there is this certain aura na nakita ko sa kanya...
Ni hindi ko napansin na ung aura pala na un ang magbibigay ng threat sa pagiging Dyosa ko...

Pero nagkakilala kami...
After nyang pagtripan ung mga tropa ko thru text...

Nung panahon na hinahanap ng mga tropa ko kung sino ung Anonymous texter na nagbibigay ng death-threath chuva sa kanila...ako me hinala na...
Muka kasing gang member ung merlat noon.

Inuman....kami ng tropa ko..ung mga parents nila...at kasama namin sa lamesa si Chris Hemsworth.
Bitter ang lola mo kasi nga na-sight ang ex-jowa.

Ininvite ung merlat ng isa sa mga byenan ko (mother ng tropa ko)...

Natipuhan ni Chris Hemsworth ang merlat...
Naalarma ang fekfek ko...
Di pwdeng magka-jowa agad si ex ng hindi pa ako nakakahanap ng kapalit nya...
Isang malaking sampal sa korona ko pag nagkataon...

Habang nag-iinuman...naghahanap na ko ng hollow blocks at semento...
Pipilitin ko kasing lagyan ng bakod ung mga tropa ko at si ex-jowa laban ke merlat...
Kaso...sa pagmamadali magtayo ng bakod...

Di agad tumigas si semento...madaling natibag ng powers ng merlat.

Kea ang naisip ko nung time na yun
"If i can't beat her...I'll join her."

So join akis..sa landian...at napapansin kong mejo nagkakaroon na si merlat ng private conversation ke ex-jowa....

At mas bitter pa ko sa ampalaya nung time na yun...

Until me nabuong di magandang idea sa isip ko laban sa kanya...


Pero....
































Sa Part Two na lang un..

Babuh na muna...



















2 comments:

  1. nabitin naman ako te. dapat kasi yung hollow blocks di mo na binakod, hinampas mo na lang kay merlat. lol!


    sana sa akin mo na lang pinasa si chris hemsworth, kahit segunda mano, ker ko na :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Zai, ayokong magsuffer ung next jowa ni Chris Hemsworth.

      Parasite sya, Zai...PARRAAASSSIIIIITTTTTTTEEEEEEEEEEE!!!!!!(Bitter till now?)

      Delete