Sunday, February 3, 2013

Hansel, the Credit Card ang the Witch

Maxadong kasing maraming laman ang mataba kong utak lately kaya di ko magawang mag blog.

Maramig kwento din sana akong gustong ikembot sa inyo....

Nga pala, natuwa naman ako sa Eastwest Bank ng bongga...

at ito ang panimula ng historya :




Dati sinumpa ko sa sarili kong hinding -hindi ako kukuha ng credit card. Naisip kong di ako financially stable to get one or to be approved to have one.

Ung mga kawork mates ko ditey sa resort - nakakaloka..

3 months pa lang super apply na sa mga bangko ng CCs
Na-approved naman ang mga merlat..kung anik anik ang pinagswi-swipe.

At after 1 year..ayun hinahabol na ng bangko....di na pala nagbabayad ang mga bruha.

Ako dati nakakatakot umutang sa bangko....

Grabe sila magpatong ng interes nyan once hindi ka makapagbayad.

Minsan me tumawag sa trunkline ng aking resort ... Ako naman ang sumagot .

Ahente pala ng mga CCs ... kinoconvince akong mag-apply...

Pre Approved daw kemerot....kukuha lang daw sya ng details ng aking buhay mula sa Pagdadalaga ko hanggang sa magkaroon ako ng junanak...

Mala MMK ang interview - Sabi ko sa isip ko.

I-try ko lang daw, wala naman daw mawawala sakin...

Eh since I'm a regular employee na sa isang resort na pinapangarap kong maangkin...

Sinugal ko na ang mga personal information ko sa isang agent  :


Agent 007 : Ilang years na kau sa company ?

Dyosa : Ako nagpatayo nito. Chos lang..sabi ko 3 years - na sa totoo lang 2 years pa lang akey.

Agent 007 : Anong position nyo sa company ?

Dyosa : Ako ang may-ari. Chos ulit. sabi ko Senior Chuvanes-Heklavu.

Agent 007 : And your salary annually?

Dyosa :  It depends on the season...I will calculate on a monthly basis na lang. P25,000 pag lean season, P35,000 pag peak season. exclusive of incentives and bonuses. - Isang malaking ka-echosan ang mga nasabi ko. 

Eh minimum wage-earner ako, Provincial rate pa...Peak season or not.

Agent 007:  Pasa po kau ng mga requirements

 and the list goes on..parang resibo lang ng supermarket...

ganun lang...


So to make the story short...Di ako nagpasa.

Yun kasi ung ayaw ko sa lahat...ung mag pasa ng mga papel papel...

Dedma mode....until after one month...

Me dumating na package....Nakasobre. Personal. Confidential. Naloka ako...

Kasi kadalasan  ng mga Confidential Letters...either subpoena or court order...

Wala akong utang....bukod sa Sari-sari store ni Aling Gelang. Futah na un, dahil sa isang lata ng Spam, dinemanda ako.

Exaggerated ang moment ng pag bubukas ng liham....

At tumambad sakin ang isang Credit Card with my name embossed on it..

Dyosa A. Buenavista

ang shala ko lang.

Sheeetttttt

I felt mature..Futtah.... May nagtitiwala na saking bangko...

Eh dati ung suking tindahan na inuutangan ko...umutang lang ako , after 1 hour naniningil na.

Sa ayun...



buong gabi kong binasa ang Terms and Conditions...

At nagsimula akong magbasa sa linyang :

Dear Charo, 

At nakatulog akong hawak ang CC ko at sa tabi ung Terms and Conditions.

sabi ko di ko pa magamit bukas...me pasok ako..

Sa day off na lang...


Pag dating ng day-off...


Excited pumuta ng Super 8, Nag-grocery ako ng bongga....ung mga dating di ko kinukuha ng biglaan, sinasalpak ko sa push cart.

Nakakapagod pa lang mag grocery. Pagdating sa counter..naka 3 pushcart ako..nakakaloka...

Pumalo ng 12K ang mga nakuha ko...nalula ako.

OMGeee

Napalunok ng bonggang bongga....

na feeling ko pati esophagus at adams apple ko...

pati epiglotis at dila

kala ko nga pati bayag ko nalunok ko...

Tinanong  ako ng cashier for mode of payment. Sabi ko card.

Nanginginig pa ung kamay ko pag-abot ko ng card...Shet this is the moment...

Unang kaskas ko to....

Parang narinig ko pa ung sound ng card pagkaswipe.

Eto na....

Naghintay akong lumabas ung papel....

me lumabas....1....


2....



3...


It means approved.

Napangiti ako...at ang yabang ko....Futah..

Kala ko humihingi ung cashier ng autograph sakin...me pinapapirma....


ung charge slip pala un....Napangiti ako kasi ung mga kasunuran ko..nakatingin din sakin.


Paglabas ko...Inassist ako nung gardo...free na raw ang transportation ko....Bongga.


For every 5k purchase kasi, me free ride tricycle kahit saan. eh di me dalawang service ako...

Tinanong ako nung driver kung saan, sabi ko sa Megamall, eh Antipolo ako...napa Tumbling si Koya.

................

Bongga ung pag-uwi...2 tric na puno ng mga kahon....

Nakita ko sa Aling Gelang..nasa tindahan nya....

Luwa mata nung makita akong bumababa ng tric...

Tinanong ako :" Hongdami mo naman pinamili, anong gagawin mo jan??? Bongga ka, nakuha mo na ata 13th month mo."

Napangisi ako...eto ung hinihintay ko....Oras na ng paghihiganti

Sabi ko : " Ah oho, nakuha ako na ung bonus ko...naisip ko nga magtayo rin ng business eh."

Gelang : "Ay tama yan, jan ka ba magtatayo ng business sa tapat ng bahay mo? Tamang-tama yan,  magkatabi tau, para naman lumakas ang tindahan ko."

Sabi ko " Opo, dito nga, magpapalagay ako ng bubong dito..papalakihan ko ung space."

Gelang : " Ay bongga ka nga. Buti ka pa. Andami mong pinamili. Andaming kahon. Ano bang itatayo mong bussiness??

Sabi ko :

















































 " Sari-Sari Store po".




Hinimatay si Aling Gelang. 


................................................


So far..okey naman ung pagkaskas...ung 12k ko last December nadagdagan pa since Holiday season...


Sinagad ko ung limit kong 20k...and after ng billing nabayaran ko naman sya ng buo before the payment due. 


Makati sa kamay...pero tamang disciplina lang pala ang kelangan. 


Right Management on Money is very essential. Feeling ko nagmature ako sa paghawak ng kinikita ko. 


...............................................


Nga pala, habang nagty-type ako ng entry na itwu...naalala ko ung panaginip ko kagabi...



Ginagahasa daw ako ni Coco Martin. 


Pag mulat ko....Ung babae sa Pechay Chronicles, dinagan ako nung hita sa tyan ako. 



At yes....




oo...



Nagsasama kami ni Merlat dun sa PC Chronicles. At tanggap nyang sya ung tibo at ako ung merlat.



Hahahaha




Till next time, Kablogs!!!













  





3 comments:

  1. Bongga ang 12k na unang swipre te! Sulit dahil hinimatay si Aling Gelang hehe :)

    In relation sa previous post mo Dyosa, na brain damage ata ako sa nabasa kong may ka live in kang pechay! Hahaha :) Pero okay lang yan, ikaw naman ang merlat so keri na :)

    ReplyDelete
  2. Nakakaaliw naman tong credit card story mo. Medyo nalula din ako sa 12k worth of grocery ah. Hindi pa umabot sa ganyan ang grocery ko, the biggest I've spent using a CC was a laptop. Mahirap din humawak ng CC lalo na pag katulad ko na impulsive buyer.

    ReplyDelete
  3. Kaloka ka din teh.. ako ilang years a may CC, pero hindi pa ko nakapag-grocery ng worth 12k, haha.. aabot lang ako ng more than 10k kung pa-installment ako.. trulalu ba yung sa business mo? o echos lang.. goodluck anyways.. at mas goodluck kay aling gelang..

    ReplyDelete